“Buhay Bata”..Ang pangarap ni Anne.

Posted by on 12 June 2014 @ 9:51 pm | Hits: 71 | comments

Share on Facebook10Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

Ang pagpapatuloy sa buhay na tinatahak ni Anne..

Nangyari na ang matinding away ng magulang ni Anne at kahit na ang lola niya ay wala ng magawa,isang gabi umakyat ang nanay ni Anne sa itaas ng bahay nila at hilala ang paa ni Anne.

Nanay”Anne anne bumangon ka jan aalis kami ng kapatid mo sasama kaba sa amin o maiiwan ka sa tatay mo? agad na sumagot si Anne”Opo nanay sasama po ako sabi..sumagot si Anne sa pagkat sa mura niyang isip naiisip agad niya na pag naiwan siya ng nanay niya ay baka mag asawa uli ang tatay nya ng babaeng masama ang ugali at maltratuhin lamang siya..Umalis ng bahay ang mag iina kahit na buntis ang kanyang ina ay patuloy pa rin sa paglalakad sila patungo sa magulang ng nanay ni Anne,subalit napatigil silang mag iina sa paglalakad dahil naiisip ng nanay niya na pag umuwi sila sa bahay ng magulang nya ay maaring magalit at atakihin sa puso ang lolo ni Anne.Bumalik na lamang sila ng bahay na parang walang ngyari at dinatnan parin nilang tulog na tulog ang lola at tatay ni Anne.Kinabukasan parang dininig ang panalangin ni Anne na magkaayos ang magulang nya,naging masaya si Anne dahil nagkabati na ang nanay at tatay nya na akala nya noong gabing yon ay tuluyan na silang watak na pamilya..

Dumaan ang mga araw at taon lumalaki na si Anne at lumalaki na din ang kanilang pamilya ngunit pasaya sila ng pasaya.Maraming blessing na nkakamit si Anne,palagi siyang matataas ang mga marka sa eskwelahan,apple of the eye sya ng karamihan.ngunit ang mithiin ni Anne na mapalapit sa kanyang ina ay hindi pa din nya nararanasan palagi pa rin syang pinagagalitan at minsan sinisisi pag palaging walang makakain sa hapag kainan,kahit magsumbong si Anne sa tatay nya pareho silang walang magawa minsan pa naiiyak na lng ang tatay nya pag nakikita nyang ang pagkain ng mga anak nya ay tuyo at noodles lang.

Kahit na anong kahirapan naging matatag si Anne patuloy syang nakipaglaban sa kahirapan,pumapasok sya kahit pamasahe lang ang pera nya,gumigising sya ng maaga para magluto ng itlog o kung minsan ay pansit canton at kanin ang baon nya.dahil sa matalino si Anne ginagamit nya ang katalinuhan nya sa kanyang mga kaklase,ginagawa nya ang mga project o kung minsan pinakokopya nya ng mga homework o kaya naman ay pinagsusulat nya ang mga ito,at ang tanging bayad sa kanya ay ibinibili sya ng meryenda sa recess o kaya naman pinagbabayad sya sa mga project nila.napupuna ng mga guro ni Anne na wala palaging pera si Anne kaya naman tuwing hapon pinatatawag sya sa office at pinagagawa ng mga paper works ng mga guro nya at binibigyan sya ng pambaon sa kinabukasan..Kilala ng karamihan si Anne sa kanyang eskwelahan,panlaban sa Science at sa Pilipino contest.isa sa pinakamatalino sa klase at masunuring estudyante.Kaya naman halos lahat sa kanya ay malalapit pati mga teacher nya.

Dahil na rin siguro sa mga kabutihan ni Anne napalapit ang nanay nya sa kanya at nasasabihan na nya ng mga sekreto nya,Second year si Anne ng makilala nya si Richard isang matalino,mabait,gwapo at magandang sumulat si Richard,nagkasundo sila bilang magkaklase at nauwi sa ligawan ang dalawa,hindi man sinasagot ni Anne c richard dahil sa takot sya sa magulang nya pero pakiramdam nya sila na at safe sya kay richard.naging masaya ang pag aaral ni Anne bukod sa may inspiration mabait na din ang nanay nya sknya at hindi na nag aaway ang mga magulang nya.

Lumipas ang ilang buwan at dumating na ang bakasyon,hindi na nakita ni Anne si richard hindi nya alam kung nasaan na nga ba at bakit hindi na nag aral ng third year,naging malungkot si Anne pero patuloy pa rin sya umaasa na baka late lang nag enrolled c richard hanggat sa sumapit ang ilag buwan tuluyan ng hindi sila nagkita.Maraming nanligaw kay Anne ngunit lahat sila ay tinarayan nya at naging takot sya sa mga lalaki.Isa lng naman ang hinahangad ni anne yun e mapansin sya ng lalaking crush nya pero sobrang suplado talaga!!Malapit na ang pagtatapos ni Anne gumawa sya ng sulat para dun sa crush nya at sinabi nya sa sulat ang torpe torpe mo naman alam ko naman na may gusto ka din sa akin,pagkaabot ni Anne ng sulat sabay takbo sya papalayo at sumakay agad ng jeep pauwi sa kanila.Kinabukasan nakasalubong nya yun lalaki na classmate nya at kinuha ang kamay nya at sabay sabing bukas graduation na natin sa una at sa huling pagkakataon gagawin ko ito,kinuha at idinikit ang mga kamay nya sa labi nito ng matagal at sabay sabing mamimiss kita Anne.Nagulat at napaiyak si Anne sa nangyari hindi nya akalain na gagawin ni gerick iyon sa kanya…

Kinabukasan araw na ng pagtatapos ni Anne sa high school…

 

Itutuloy….

Comments ()