Buhay Bata

Posted by on 8 June 2014 @ 2:49 pm | Hits: 212 | comments

Share on Facebook41Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

Ang Buhay sadyang matalinhaga, may saklap na nagaganap at may pag-asang hinaharap, parang isang bahaghari na ibat ibang kulay. Ang buhay na may lungkot at kasiyahan may kaaway at mayroon din namang tunay na umaalalay. Pag ibig ang siyang bumabalot at nagbibigay ng buhay sa bawa’t taong punong puno ng pag -asang magtatagumpay at ipagmamalaki ng kahit na sino man na nilalang.

  • JUNE 08, 2014

Ating tunghayan ang kwento ng isang babaeng simula  pa ng pagkabata ay hindi na nawalan ng pag-asa at  pangarap sa buhay.

 

Taong Setyembre  1987 ipinanganak ang isang batang babae, siya ay malusog at walang buhok, tuwang-tuwa ang kanyang Ama at Ina dahil sya ang unang anak ng mag-asawa. Pinangalanan siyang Anne. Si Anne ang ikalawang apo at unang babae sa kanilang pamilya kaya naman lahat ng luho ibinibigay sa kanya. Masayang lumalaki si Anne kapiling ang kanyang Ama at Ina. Bago sumapit ang ika-apat na kaarawan ni Anne nagkaroon sya ng kapatid na lalaki, Simula noong ipanganak ang kanyang kapatid nagkaroon ng selos at tampo si Anne, isa pa sa nangyari sa kanya ay tuwing bakasyon sa eskwelahan inihahatid sya ng kanyang Ina sa tiyahin nya sa Cavite, halos palaging  dalawang buwan sya doon at uuwi na lamang pag pasukan na. Simula noon naging paiwas na si Anne sa kanyang ina dahil palagi na syang pinagagalitan at minsan ay pinagtatabuyan pa. Sa musmos na kaisipan ni Anne marami na syang masasakit na naranasan.

Matalinong bata si Anne at palaging may medalya sa eskwelahan ngunit sa tuwing sabitan na ng kanyang karangalan palaging abala ang kanyang Ina sa ibang bagay, kaya naman ang kanyang Ama ang palagi niyang kasakasama, kaya mas malapit siya dito. At yun ang pinagseselosan ng kanyang Ina at madalas pagtalunan dahil palagi siyang pinagtatanggol ng kanyang Ama. Umabot sa siyam na taon si Anne at muli ay buntis na naman ang kanyang Ina sa pang-tatlo niyang kapatid. Nagkaroon ng malaking gulo at away ang kanyang Ama at Ina patungo sa desisyon na hiwalayan.

 

Itutuloy….

Comments ()