Awit ng Puso

Schedule

7PM - 9PM

  • S
  • M
  • T
  • W
  • TH
  • F
  • SA

Awit ng Puso. A night of OPM with Kuya Dan

Every  Tuesday & Thursday – 7PM to 9PM (Manila Time)

“Kung pag-ibig ang dugong dumadaloy sa puso, hangin naman ang awit na patuloy sa pag-ihip ng hininga sa katawang lupa na alipin ng lungkot at pasakit. Kabayan, maaaring maiksi ang tatlong oras upang mapawi ang hirap at lumbay na pasan mo nguni’t sa tulong ng piling-pili at nag-gagandahang awiting katutubo sa ating lahi, ng mga orihinal na musikang pilipino, ay papalaot tayo sa kakaibang daigdig na magsisilbing gamot sa dinaramdam ng ating katawan at isip. Katinig, halika at samahan mo ako, kung nasaang panig ng mundo ka man naroon ngayon, at sikapin nating malimot kahit sandal, lumigaya kahit pansamantala  at buhayin natin kahit man lang sa ating gunita ang mga ala-alang patuloy sa pag-pintig sa ating kaisipan dito sa Awit ng Puso.”

Simple lang po ang ating show. Magpatugtog at makinig sa mga nag-gagandahang OPM na request ng ating mga Katinig at kalimutan ang mga problemang dinaranas kahit sa loob lang ng tatlong oras na palatuntunan. Namnamin ang ganda ng buhay, ng pag-big sa daloy ng awit. Tara na katinig, pumalaot tayo sa dako pa roon ng buhay at ipag muni-muni ang hakbang ng panahon.

Comments ()

We're Offline

Sorry, maybe later?