Right Love At The Wrong Time!!!

Posted by on 1 March 2014 @ 12:50 am | Hits: 96 | comments

Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

01 March 2014, Saturday, 9pm to 12am RP time

Letter Sender sa DEAR DJ REGINA show

“WE Have the right love at the wrong time”

Dear DJ Regina:

Ano ang gagawin ninyo kung tadhana na ang maglalayo sainyo ng mahal mo? Masakit man pero wala akong magagawa.

Tawagin nyo nalng po akong Ladybutterflylover. Isa po akong OFW dito sa SINGAPORE. Sa facebook ko po nakilala ang isang taong nagpatibok ng aking puso at nagbigay kulay sa buhay ko.

Noong una kamimg magchat hind ako interesado sa kanya deadma lang mga pm nya. Ngunit di nagtagal naging interesado na rin ako.

Tuwing online ako wall nya ang unang una kong binibisita. Lagi akong naghihintay ng mga messages nya. Hanggang isang araw namalayan ko nalng na mahal ko na pala siya at siya na ang inspirasyon ko sa araw araw.

Matagal kming nagkasama sa lungkot man o saya…sa kanya ko nasasabi ang mga problema ko at pagkasama ko siya pakiramdam ko napakakomportable at napakaligtas ko. Minsan nga nahiling ko na sana siya na ang lalaking para sa akin.

Pero ang pagmamahalang yun ay tumagal lang ng isang taon. Hindi kami nag away dahil sa ibang babae or dahil sa nagselos ang bawat isa sa amin. Minsan ng magkasama kami bigla nyang sinabi na lalayo na daw siya at madedestino na siya sa ibang bansa dahil tapos na daw project nila dito.

Nalungkot ako dahil mahal na mahal ko siya at nasanay na akong kasama at kausap ko siya gabi gabi. Namimis ko yong kinakantahan nya ako ng NO ARMS CAN EVER HOLD YOU.

Ngunit ang pinakamasaklap ang malaman ko na may pamilya na pala siya sa pinas. Sobrang sama ng loob ko ng mga oras na yon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang shock ko. Noong una hindi ko matanggap. Lagi akong umiiyak at lagi akong naghihintay ng tawag nya. Hanggang sa naglaho nalng siya ng parang bula. Pinilit kong kalimutan siya mahirap man pero I need to move on…nasabi ko nalang na “maybe WE HAVE THE RIGHT LOVE AT THE WRONG TIME.”

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()