PAANO TURUANG UMIBIG ANG PUSO?!!

Posted by on 22 February 2014 @ 11:56 am | Hits: 87 | comments

Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

22 February 2014, 9pm to 12am RP Time

DEAR DJ REGINA show

Dear Dj Regina,

Tawagin mo na lamang po ako sa pangalan na UNKNOWN GIRL. Nais ko pong ibahagi ang present life ko sayo at sa mga katinig na rin po,,,ang tungkol po sa buhay pag ibig,,,sana po dj Regz ay mabibigyan mo po ako ng payo para sa aking kabutihan kung ano po ang nararapat kung gawin,,,at ganun din po sa mga katinig sana po ay mabibigyan din nila ako ng payo,,

DJ Regz wala po akong boyfriend sa ngayon. kailangan ko po bang mag antay kung sino po yong kusang titibokan ng aking puso…oh kailangan ko po bang sundin ang dinidikta ng tita ko na gustohin ko ang isang guy na wala naman po akong nararamdaman na pagmamahal sa kanya,,,?

Dj Regz ito po ang buong salaysay ko…ang aking kinaroonan na lugar ngayon ay pangalawang abroad na po..,at dito ay inaasahan ko po na sana ay mas marami akong swerte dito kesa sa dating lugar na aking pinanggalingan…pagdating ko po dito ay ang tita ko ang aking tinirahan…noong pang limang araw ko dito ay may ipinakilala po ang tita ko sa akin na isang guy. Sa unang dalaw ng guy ay nag regalo po siya agad ng bulaklak at nakipag kwentuhan po ako sa kanya bilang bisita at pagrerespeto na rin po. Ang sumunod na araw po ay kinausap ako ng tita ko…na ang sabi sa akin ay…dinaan po nya ng biro dahil humalakhak po siya pagkatapos nyang sabihin sa akin,may pag asa daw ba si guy. Sagot ko naman po hindi nman nanliligaw at nagbigay lang siya ng bulaklak…ang tita ko po ay natutuwa dahil gusto nya yong guy para sa akin. Pinapaliwanag nya sa akin na suwerte ko na daw sa kanya dahil daw po ay mabait yong guy…may stable job mataas ang position sa isang company at sabi pa po ay magiging maganda daw po ang future ko sa kanya. Anu pa daw ang hahanapin ko kung manligaw sa akin sana ay sagutin ko na daw siya…ini encourage po ako ng tita ko na gustuhin ko ung guy pero wala naman po akong nararamdaman na kahit konting pagmamahal sa kanya…

DJ Regz pag nagkakagusto po kasi ako ay kusang my pag hanga ako sa isang guy…at sa kanya po ay wala po talaga akong paghanga yon po ang totoo. Hindi po ako nakukuha sa mga bagay na meron siya kundi ang cinusunod ko po ay yong titibokan siya ng aking puso. Pero minsan po ay sumasagi sa aking isipan…anu kaya kung sagotin ko na ung guy pag nanligaw kahit hindi ko pa siya mahal.

Minsan din po kasi dinidikta din ng aking isipan…be practical hndi na daw ako bumabata pa kundi getting older at minsan ang katwiran ko din po ay ayokong mag isa sa buhay..,

DJ Regz kung aantayin ko pa po ung kusang titibokan ng aking puso matagal pa po kayang darating??

Tama po ba na sasagutin ko na ang guy kahit hndi ko pa siya mahal at siguro po ay mapapamahal din kaya siya sa akin pagdating ng panahon na magsasama na kami?..

DJ Regz hanggang dito na lamang po ang aking sulat at sana ay mapayuhan nyo po ako kung ano po ang nararapat at dapat kung gawin at sundin…

Labis na nagpapasalamat at gumagalang

UNKNOWN GIRL:))

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()