Pagiging Battered Wife – Sapat bang dahilan ng pagpapawalang bisa ng kasal?

Posted by on 29 March 2014 @ 4:58 am | Hits: 134 | comments

Share on Facebook43Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

29 March 2014, Saturday, 9pm to 12am Manila Time

Letter Sender for DEAR DJ REGINA show

Dear DJ Regina,

Magandang Gabi/Umaga/Tanghali sa inyong Lahat mga Katinig at lalo na sayo Attorney Chris.

Tawagin na lang ninyo ako bilang Ana. At isa ako sa mga taga pakinig sa Tinig Pinoy Radio At gusto ko po sana humingi ng advise about sa Married life Probz ko. Ito po ang story ng life ko. May dalawa akong Anak NASA pinas at sa poder ng mother-inlaw at asawa ko iniwan ko sila dahil nag abroad ako para maka wala sa asawa Kung mambubug pag nag aaway kami dj Regz , madali kasi siyang mang buhat ng kamay sa akin at minsan di lang ang kamay niya ang ginagamit para saktan ako. Kumukuha din siya Kung ano ang makikita niya, siguro dala sa bawal na gamot, kaya kadalasan niya akong sinasaktan kasi po gumagamit siya dati ng bawal na gamot ,Dj Regz ..kahit may magandang trabaho ang asawa ko sa pinas. At ako naman nag trabaho din sa pinas pero naisip ko kasi di na siya nagbabago kahit maraming beses kuna siya pinagbigyan ng chance….. Dj Regz mag 4years naku dito sa Bansang Sg di ako umuwi kahit namimis kuna ang mga kids ko kasi gusto kung umuwi pag may PEra naku pang annul sa kasal ko sa kanya. Para may kalayaan naku sa Kanya, at saka dj Regz 2years na kami Walang contact or nag uusap kasi Sinabi ko sa kanya makipaghiwalay naku dahil sa mga pasakit niya sa akin. At pumayag din siya. Ngayon po dj Regz & attorney Chris, pwd ko ba magamit sa korte ang pa nanakit sa akin ng asawa ko dati, at may mga kapitbahay akong maging witness sa pa nanakit ng asawa ko.at pwd ko ba makuha ang mga Anak ko Kung ako’y uuwi sa pinas kasi sinabihan niya ang mga pamilya ko na di niya ipa hirap sa akin ang mga bata kahit every month naman akong nagpa padala sa mother inlaw ko. Para supporta ko sa mga bata.

Attorney Chris ano kaya ang dapat Kung gawin para mapa annul ako sa asawa ko? Kasi kahit mag stay na lang ako sa Bahay ng father ko, sa pinas ayaw kuna po talagang makipag balikan dahil nawala na ung Respito ,Awa at Love ko sa kanya. Mag kalayo kami ng Place sa asawa ko attorney , I mean mag ka ibang Lugar ang Pamilya namin.6years lang kaming nagkasama bilang mag asawa at NASA ibang Bansa ako ngaun mag 4years na. Kaya naguguluhan po ako ngayon kung di Nalang uuwi sa pinas , or saka naku uuwi pag 10years naku dito sa Sg kasi ang sabi nila pag ang mag asawa dw attorney na Walang communication ng 10years pwd na mata tawag na hiwalay. Or direct separated na? Ano po ang maadvise mo sa akin attorney . Mahirap na kasi Magsama sa isang Bahay na wala ng Respito sa isat isa . Thanks po Hanggang dito Nalang po ang sulat ko. Thank u so much mga katinig sa inyong pagbabasa at pag bigay ng advise. And to you dj Regina & Attorney Chris, maraming salamat po. God bless & More Power sa show ninyo.

Lubos na gumagalang,

Katinig ANA

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()