igalang ang bawa’t isa…

Posted by on 31 March 2014 @ 5:30 am | Hits: 189 | comments

Share on Facebook16Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

respect_giveit&get it

An Open Letter sa mga Katinig from Kuya Dan

I read with sadness the recent developments sa ating TPR wall. I am referring dun sa mga posts ng ilang katinig na naglalaman ng mga pasaring at hindi magandang mga mensahe which, to me, defeat the very purpose of Tinig Pinoy which is to help in providing some kind of relief para sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga OFWs na nagsisipagtrabaho sa ibang bansa at malayo sa mga mahal sa buhay.  Ang isa sa mga pangunahing layunin ng TPR ay magbigay kasiyahan sa ating lahat sa pamamagitan ng mga magagandang OPM, mga liveshows or palatuntunang nagtatangkang magbigay saya at tuwa at ng mga “pakulo” tulad ng TPR Calendar Girl contest na naglalayong magbigay ng dagdag na saya, pride and joy sa ating angking talino at ganda hindi lamang ng panglabas kundi higit sa lahat ay ang angking katutubong kagandahang loob at asalng bawat isa sa atin. Nalulungkot akong makita na ang mismong pakulong ito ang parang nagsisilbing lason sa mga friendly relationships we are trying to nurture dito sa confines ng ating munting tahanan we fondly call Tinig Pinoy.

  respect_cycle

Tuwing matatapos ang ating buwanang Calendar Girl contest, merong mga “gulo” na nagaganap  na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan among our katinig. Nakikita at nababasa natin sa TPR wall ang mga iringan, pasaringan at ‘away’ between some of our katinig. Hindi pa kasama diyan ang mga ‘makulay’ na palitan ng salita na nagaganap sa mga inbox ng ilan. May mga nabasa akong ilang halimbawa na hindi ko halos mapaniwalaang nanggagaling sa mga isip, bibig at panulat ng ilan sa ating mga katinig sa mga taglay nitong mga maanghang at tila-basurang mga gamit na salita. Mga salitang bagay lamang sa mga taong walang-galang at asal-hayop. Ayaw kong tanggapin kahit sa isip lang na ang ating mga katinig ay ganyan. After all, majority of us dito sa TPR ay gainfully employed sa mga marangal na trabaho kung saan ang mga character traits, moral values and respectabilities ay kasama sa mga sukatan ng employment.

respect everyone

Pasensiya na po mga katinig kung ang mensahe kong ito ay parang galing sa isang ama ng tahanan. To offend anyone is never my intent here. Ang sa akin po ay upang makatulong para maiwasan natin ang ganitong mga sigalot among us. Sigurado akong marami sa atin ditto sa TPR wall are also bothered by these negative developments and these silent majority deserve to enjoy TPR and the company of many friendly and respectful katinig in an environment where common decency prevails. I cannot just stand on the sidelines and watch the deterioration of relationships nating mga magka-katinig dito sa TPR na masira dahil lamang sa ilan na maaring pansamantalang nadadala ng kanilang emosyon kaya nakakalimutan ang kanilang pagiging kagalang-galang na pagkatao. Maari din na may ilan diyan na likas na masama ang ugali at walang pakundangan sa damdamin ng iba – dapat sa mga iyan ay iwasan at huwag bigyang kasiyahan by going down to their level by engaging them in useless battle of words. There are far better things to do than drag ourselves down to the gutters where those few despicable individuals belong.

respect others

So, pakiusap ko po mga katinig, panatilihin nating masaya at kaaya-aya ang ating munting tahanan. Let us do our utmost to observe common decency towards one another. Igalang po natin ang ating mga katinig katulad ng paggalang na nais nating madamang galing sa lahat. Itigil nap o natin ang mga iringan, pasaring, intriga at walang-kabuluhang chatter na hindi naman makakatulong sa atin bilang mabuting tao, kagalang-galang na katinig, masayang kaibigan ng marami kung hindi man ng lahat at mapagpalang anak ng iisang diyos.

Maraming salamat po mga Katinig. Enjoy lang po tayo dito sa Tinig Pinoy.  Respect pinned on noticeboard  

About Kuya Dan

Kuya Dan, as he is fondly called by many, founded and hosted Tinig Pinoy Radio 22 years ago. He is very active in community service which helped earn him various awards for his initiatives. In... read more

Comments ()