Candidate for Miss May TPR Calendar Girls 2014 – Kt Annie Gabac

Posted by on 24 April 2014 @ 12:21 pm | Hits: 74 | comments

Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

Ako si Annie Balinas Gabac. may asawa at may isang anak na lalaki at 12 yrs old. Ipinanganak ako noong Hunyo 4. 1980. Pangatlo sa walong magkakapatid at panganay na babae. Bread winner po ako sa aming pamilya mula dalaga hanggang nakapag asawa.

Working student po ako mula 1st year high school hanggang nakapag aral sa kolehiyo pero sa kasawiang palad hindi ko natapos ang aking pagkokolehiyo dahil sa hindi sapat ang sahod ko..dahil ako po ang nag susustento sa pamilya ko.

Naisip kong mag abroad nung nagkasakit ang papa ko at dito ako napadpad sa Macau sa kagustuhang makapag ipon at maipadala ko sa kanila at mabigyan sila ng sapat na pangangailangan sa araw araw, at mapag-aral ko ang lima kong pamangkin na wala ng ama.

Ang masasabi ko lang po tungkol sa sarili ko, mabait po ako at matulungin sa lahat lalo na pagdating sa pamilya ko at kinakaya ko pong gawin lahat para sa kanila.

Ipapamalas ko po ang aking talento sa pagkanta. Kaya po ako sumali para makilala po ninyong lahat at maging kaibigan ko din po kayo.

Salamat po.

About Rico

Jose Rico Rizaldy Luga Rico was an active Katinig at Tinig Pinoy Radio before becoming a DJ in December 2013. In TPR, he has found realization in his love for music, aspirations towards being a DJ... read more

Comments ()