TPR Celebrates 2nd Year Serving Global Pinoy
Posted by Kuya Dan on 14 April 2014 @ 5:16 pm | Hits: 21 |
Tinig Pinoy Radio. Kahit Saan, Kahit Kailan Ikaw ang number One! Iyan ang sigaw ng libo-libong miyembro at tagapakinig ng Tinig Pinoy Radio lalo na sa pagsapit ng ikadalawang taong annibersaryo ng paglilingkod ng palatuntunang pang web radio.
Sa ikasasaya at kaligayahan ng mga masugid na tagasubaybay ng TPR online, ang mga organizing committee ng mga games para sa selebrasyong ito ay sadyang bumanat ng husto. Halos bawat liveshow ay tinampukan ng mga nakatutuwang “pakulo” kung saan ang mga tagapakinig ay sobrang nag enjoy sa mga kwelang-kwelang games na  kung saan ay marami ang nagwagi ng mga premyong kadalasan ay phone loads.
Sa ngalan ng ating mga dedicated organizers, ang mga masisipag na admins, matuluning guardians at magagaling na DJs ng Tinig Pinoy Radio, kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa maykapal sa patuloy na tagumpay ng TPR, at sa libo-libong mga katinig at tagapakinig ng TPR sa kanilang walang sawang suporta, pakikiisa at pakikinig.
Narito ang ilan sa mga games/pakulong nagbigay ng dagdag sigla at ibayong kulay sa 2nd year celebration ng serbisyo publiko ng Tinig Pinoy Radio partikular sa milyong bayaning buhay ng Pilipinas, ang mga OFWs.
Maraming salamat po. Mabuhay ng Pinoy!
Articles
- aking munting tahanan
- TPR Celebrates 2nd Year Serving Global Pinoy
- looking for true love. getting ready for valentine’s day…much ahead of time
- Candidate for Miss May TPR Calendar Girls 2014 - Kt Annmae Obeja
- Candidate for Miss May TPR Calendar Girls 2014 - Kt Annie Gabac
- Bossing & Bessings Show..coming your way…
Comments ( )