Nangungulila sa iyong pag ibig

Posted by on 2 February 2016 @ 2:55 am | Hits: 96 | comments

100000

Mga gabing mata ay puno ng luha,

Sa pangungulila sa mga yakap mo, sinta.

Sa sulok ng silid lubos na nagsisi,

Sa pagtalikod sa tapat mong pag-ibig.

Nais kong bumalik sa iyong bisig,

Damhin muli ang iyong pag-ibig,

Ako ba’y iyo pa din bang kakabigin,

Papalapit sayong pusong pumipintig.

Alam kong kalabisan ang hiling,

Pagkatapos kong wasakin,

Ang puso mong dalisay, Na umiibig.

 

Ngunit napagtanto,

Na di ko pala kaya na wala ka sa piling ko.

Kaya ngayo ‘y nag susumamo,

Ang puso kong ito…. nawa’y mahalin mong muli.”

“Tawagin man na manhid o martir, aking tatanggapin;

Kahit na anong sakit, puso’y mamahalin ka pa rin.

Lahat ng pagkakamali, isa-isang buburahin,

Kahit puno ng lason at tinik, pilit kang yayakapin.

Sabik ang aking bisig sa’yong muling pagbabalik,

Matagal nawalay, nasanay ngunit hinahanap pa rin ang ‘yong halik.

 

Matagal naghintay, sumugal kahit walang kasiguraduhan,

Sabik ang pagkatao sa tamis at walang kaparis na pagmamahalan.

Nananatili, naghihintay sa lugar na kung saan iniwan,

Nagbabakasali, umaasa na magbago ang takbo ng ‘yong isipan,

Kakalimutan, buburahin lahat ng nangyari sa relasyong pinangalagaan,

Walang alinlangan, patatawarin sa oras na bumalik sa nakaraan.

Narito pa rin ako, minamahal ka. Bumalik ka na.” 

Comments ()

Comments are closed.

About Us