Nalulungkot ako

Posted by on 14 March 2014 @ 2:41 am | Hits: 16 | comments

20000
Nalulungkot ako

Matagal tagal na din di nakakapag blog, masyado nang busy ganun ba talaga pag college hay :/ nalulungkot ako Bakit kaya ganito nangyayari ? Hindi ko na alam gagawin ko. Para bang gusto ko nalang mahiga at antayin ang oras ko. Alam mo yung feeling na mababaliw ka na dahil sa mga problema na dumadating sayo Oo andiyan nga ang mga kaibigan mo pero payo lang ang maitutulong nila sayo at hindi ang solusyon na kailangan mo. Napapawi man nila ang kaunting sakit at kalungkutan iba parin ang pakiramdam pag naging maayos na ang lahat. Nalulungkot ako dahil madalas kaming magkaroon ng di pagkakaintindihan ng GIRLFRIEND ko. Nasasaktan ako kasi di ko na alam kung saan ako lulugar Isa yan sa mga problema ko, hindi ko alam kung anu bang dapat kong gawin. Pangalawa na ang pagkalungkot dahil sa mga hindi mo siya makasama sa mga oras na kailangan mo siya dahil sa pag aaral, napakahirap dahil masyado na akong nasanay na kasama ko siya masyado na akong naging attached sa kanya. Paano nalang ako kung wala siya, ang sakit para bang dinudurog ako. Ngayon nagalit siya sa akin dahil sa kadahilanan na ako dapat ay pupunta sa bahay ng isang kaibigan dahil ngayon ay kanyang kaarawan pero ayaw niya dahil may pasok ako. Pero pinipilit ko siya ayun nagalit. <Sad> Kaya ayun di na ako tumuloy kasi tama nga naman siya imbis na mag aral nalang ako at magpahinga papagurin ko pa ung sarili ko. Tama siya Mali ako. Kaso kahit hindi ako pumunta galit padin siya. Hindi ko na alam kung anung dapat kong gawin Nalulungkot ako, hindi ko alam kung anung dapat kong gawin, hindi ko alam kung paano siya susuyuin.

Ang sakit (sobra)

Comments ()

We're Offline

Sorry, maybe later?


Sponsor