• Letters to Dear DJ Regina

  • Showbiz Balita

  • PHL News Update

  • Community News

  • Live Video!

Coming Soon !!!

Welcome to Tinig Pinoy!

Dear DJ Regina (Abegail @ Middle East)

 

Magandang gabi po sa inyong lahat mga katinig ng TPR. Itago nyo nalang ako sa pangalan na Abegail @ Middle East.

Mayron po akong magandang karanasan sa pag-ibig ang kabaligtaran ay mapait at malungkot na love story.

At the age of 30 yrs old ..don ko lng naranasan ng umibig ng tapat at nagtiwala sa lalaking minahal ko at pinapangarap na maging makasama habang buhay. Simulan ko ang aking liham kung saan kami nagkakilala ng aking first love at last love ng buhay ko. Year 2000 kami nagkakilala sa hindi inaasahang pagkakataon sa bansa ng Malaysia.

Ako noon ay pauwi na ng Pinas nasa airport ako ng Malaysia mayrong lumapit sa akin. Nagpakilala sya sa madaling salita at masaya kaming nagkukuwentuhan...don ko nalaman na same province pla kami.Nang dumating na kami sa Pinas na airpot akala ko hinde na kami mag-uusap pero nagkamali ako hindi siya umalis sa tabi ko hanggang hindi dumating ang sundo ko. Kinuha nya ang # ng bahay na tinutuluyan ko.

After a week tumawag sya gusto nya magkita kami at pumayag naman ako dahil after that malapit narin ako umuwi ng probinsya. Pareho kaming masaya sa oras na iyon at twing sakay namin sa taxi ang lagi kung naririnig na opm sa fm ay larawang kupas ,,, new hits that time...Hindi q akalain na pumayag ako sumama sa kanya na kaming dalawa lng sa isang private room. Pero sa totoo walng nangyari sa amin. we talk lng we plan to get marriage after two years. Umaga n nya ako hinated sa bahay na tinutuluyan ko. Doon nagsimula na minahal ko sya ng lubos never kc sya ng take advantage sa akin kahit magkasama kami ng buong gabi.

 

Nagtiwala ako sa kanya hanggang dumating na pinakilala ko sya sa mga pinsan ko at aunty. Bago ako umuwi ng probinsya nagkita muna kami muli. Don na hindi namin napigilan ang bawat sarili namin sa madaling salita my nangyari sa amin. Never ko sinabi sa family ko...inilihim ko ang nangyari kasi takot ako mawala ang rispito ng mga kapatid ko sa akin at lalo na ang Nanay ko. Nangako sya pupunta sa probinsya pero hindi sya dumating hanggang oras kuna bumalik ng Maynila. My family plan to continue my studies. Nag-aral ako ulit at the age of 30 yrs old i proceed to computer science. After 6 months its a final exam... my ng door bell sa inuupahan ko wala yong may-ari ako ang nag bukas ng pinto hindi ko akalain na makita ko sya...halos tulala ako pero hindi ko napigilang magalit parin pero mahinahon syang nag paliwanag hanggang sinabi ko cge pasok ka at tapusin ko lng ang pag-review ko. Hinintay nya aq hanggang natapos ang pag review ko at sinabi nya sa akin na babalik na sya ulit sa abroad pero my hinihiling sya bago sya mag flight the next day pwedi na magsama kami ulit hindi ako tumanggi at may nangyari ulit sa amin.

Bago sya umalis papuntang abroad unang bilin nya sa akin tapusin ko ang aking pag-aaral at huwag na akong bumalik pa sa ibang bansa para magtrabaho.

Pero hindi natupad dahil sinuway ko sya dahil narin sa malaking financial problm ng magulang ko para sa kptd q mhal ko ang aking kapatid ,, mahal ko rin sya pero mas pili ko umalis. pero i lost my communication with him.

 after 3yrs sa tindi ng lungkot ko sumulat ako sa kanya at umaasa na sagutin nya... Oo mayron akong liham na natanggap mula sa Pinas at excited nman akong buksan hindi ko akalain n ang nilalaman ng sulat galing sa babaing pinakasalan nya na humihinge ng tawad sa akin....

Dito nagtapos ang mapait na karanasan ko sa pag-ibig .

Pero nanatili akong matatag at binuhos ko ang lahat ng oras ko sa trabaho until now nandito parin ako sa Middle East. Maraming salamat dj Regina sa pagbasa ng liham ko... request ko lng ang kantang Larawang Kupas...didicated q kay California boy....

 

Lubos na gumagalang,

Abegail @ Middle East

 

 

Sponsors

 

 

 

 

 

 

About Us

TINIG PINOY RADIO Brings you the latest news from the Philippines, updates on local community developments, relevant features, timely interviews and beautiful OPM (Original Pilipino Music).

20 years and counting! Founded by Dan de Castro, Tinig Pinoy is thankful and proud to be of service to the community. With its unique programming and special projects for the last 20 years, TInig Pinoy has continuously helped promote Filipino culture on-the-air.

Live Exchange Rates