Parang paro-parong lumilipad sa aking isipan

Posted by on 17 November 2014 @ 2:59 pm | Hits: 54 | comments

Share on Facebook79Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

*****Muling Pagbabalik****

By #KatherineAnnCabrera

Nang kita’y mahalin walang alinlangan kitang inangkin,
Sabay nangarap at nagsabi ng mga saloobin.
Iniyakan at tinawanan mga jokes mong korny na kung minsan.
Ngunit isang “I LoVe You”mo lamang ako\’y natutulala ng lubusan.

Mga pangarap na marating,kasalan at hangarin yan ay kasama kitang hinihiling,
Sa pagdating ng ating pagkikita duon sa dalampasigan tayo’y kakanta, maghahawak ang ating mga kamay at susumpang tayong dalawa ng habambuhay.
Magkakaroon ng pamilyang ating bibigyan ng kulay.

Datapwa’t ang tadhana sa ating dalawa ay nagbanta,na kung walang pag-galang at pag-aalala tayo’y pagbibitiwin nya.
Nangyari ngang ikaw sa aki’y nawala,nakakilala ng taong magmamahal sayo at kakalinga.

Ako’y nangulila at ala-alang kay tamis pilit kong ginagawang mapait upang ako sa iyo’y huwag ng mapalapit.
Ngunit bakit ngayon ika’y muling nagbabalik,tibok ng puso natin walang tigil at maligalig.
Ano nga ba ang ating pag-ibig.?
Tayo nga ba ang tinadhana sa ating mga panaginip?.

Comments ()

Comments are closed.