OFW MAG-INGAT SA DRUG SMUGGLERS

Posted by on 31 August 2014 @ 2:38 pm | Hits: 81 | comments

Share on Facebook9Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

Malacanang sa OFWs: Mag=ingat sa drug smugglers

Muling pinaalalahanan ng Palasyo ang mga overseas Filipino workers (OFWs) laban sa pagpupuslit ng iligal na droga sa ibang bansa.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi nagkulang ang pamahalaan sa paalala sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga modus operandi ng mga drug syndicate. Ito’y matapos mahatulan ng kamatayan ang dalawang mga Pinoy na sina Emmanuel Sillo Camacho at Donna Buenagua Mazon sa Vietnam dahil sa pagpuslit ng droga. Posibleng death penalty rin ang kakaharapin ng isang Filipina drug courier na nahulihan ng tatlong kilong shabu sa Kuala Lumpur International Airport. Itinago ng Pinay ang dalang shabu sa kaniyang mga bagahe at inalok ito ng halos P70,000 para dalhin ang droga sa Malaysia.

Ayon kay Valte, ang patuloy na panawagan ng gobyerno sa mga OFWs ay mag-ingat ang mga ito.

Comments ()