Ex Nais Maging Present! Papayag Ka Ba?

Posted by on 23 February 2014 @ 3:18 am | Hits: 74 | comments

Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

Letter Sender for DEAR DJ REGINA show

23 February 2014, Sunday, 9pm to 12am RP time

Dear DJ Regina

Dj Reg ask ko po, nililigawan po ulit ako ng ex-boyfriend ko na almost 12 years na walang communication. Tapos biglang nakita niya po ako through internet sabihin na po natin sa facebook. Simula po nun nagtetext at tumatawag po siya sa akin at 2 months na po hanggang ngayon dj regz.

Pero ok lang po ba na buksan ko po ulit ang puso ko para sa kanya DJ regz? Kahit na ginawa niyang iwan at saktan ako dati?

DJ  Regz marami na pong nagbago at nangyari sa loob ng 12 years. First of all, ayoko ko pong pagsisihan niya o pagsisiyahan ko ang desisyon na maging kami ulit kasi binata po siyang tao at ako naman po ay may anak na (single mother).

DJ Regz sinabi ko po sa kanya lahat lahat ng mga nangyari sa akin at handa daw po niyang tanggapin lahat. Kaya sana daw po muli kong buksan ang aking puso sa pangalawang pagkakataon at Hinding-Hindi na daw po niya ako sasaktan muli kahit kailan.

DJ Regz ano po ang dapat kong gawin? Di ba Hindi naman po natuturuan ang puso lalo na po kung Hindi siya ang tinitibok nito? May mahal po kasi ako dj regz kaso lang po Hindi ko alam kung mahal din ako kasi po pinag-aaralan pa po namin ang lahat-lahat sa aming nararamdaman..

Lubos na gumagalang,

unknown love

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()