Ex ko, Very Close pa rin sa pamilya ko!! Saan Lulugar ang bagong GF ko?

Posted by on 2 February 2014 @ 6:29 am | Hits: 94 | comments

Share on Facebook41Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

************DEAR DJ REGINA****************
02 February 2014, Sunday, 9pm to 12am Asia time

Dear Dj. Regina,
Ito ang storya ng aking buhay pag ibig…
5 years ago, nagkaroon ako ng gf, ipinakilala ko sa king pamilya at itinurng din siyang anak at kapatid..
Isa po akong taong malaki ang pagmmalasakit at pagmmhal sa aking pamilya, kaya po ako umalis at nag abroad… Nakasanayan na po nila na ako ang ngppatakbo ng lahat kaya, habang wala ako sa bahay, hiniling ko ang aking gf na siya ang tumingin sa aking nanay at mga ibat-ibang pangangailangan sa bahay, gaya ng gamot, bills ng kuryente at tubig, ganun din ang mga emergency na pangangailangan habang ako ay nasa abroad.. Siya ay nakatra sa malayo, kung kayat buwan buwan lamang itong pumupunta sa bahay or 2x a month.. pag summer at pasko doon siya sa bahay,ngtututor sa aking mga pamangkin.
Naging maayos ang pamamalakad ko po sa aking pamilya dahil nanjan siya na tumulong sa akin sa pangangasiwa ng mga pangangailangan sa bahay bagamat ako ay nasa malayo.. Sa lahat ng mga ito na ginawa niya, sinagot ko din ang kanyang mga pamasahe pagpunta sa bahay at tinulungan din siya financialy …
Akala ko Dj Regina, kami na nga ang magkakatuluyan, at ganun din sa pag aakla ng aking pamilya.. Lubos syang napamahal sa aking pamilya. na halos ako nakalimutan nila..kilala nalang nila ako dahil sa perang aking ipinapadala..Maraming bagay ang masasayang moments na tinamsa niya sa aking magulang, kapatid at pamangkin..siya na ata ang kinilalang anak hindi ako.
Dumating ang panahon na sa di sinasadya na ako’y umibig sa iba.. Itinago ko ito, ngunit nalaman din nila ang katotohan.. Galit sa akin ang aking magulang ,at mga kapatid.. Masamang msama ang tingin nila sa akin..
Umalis ang aking gf sa poder ng aking pamilya at ng abroad sa Hk. Pero magpa sa hanggang ngayun ay malakas parin ang hatak niya sa pamilya ko..diko alam ang kanyang gngwa at paulit ulit parin akong pinipilit ng aking pamilya na isaayos ang relasyon ko sa kanya.. Ngunit diko na kilala ang dating naramdamn ko sa kanya.. Ganun din ang kanyang ugali. kamakailan , umamin siya na may karelasyon na rin siya sa Hk. Masaya ako sa kanya, dahil mananahimik na rin siya, ngunit patuloy parin siyang nakadikit sa pamilya ko . At ako’y hindi msya sa tuwing napagsasabihan akong isaayos namin ang aming relasyon..
Mahal na mahal ko po ang aking gf ngayun, at ksalaukuyang ngpupundarkami ng lakas ng loob upang humarap sa pamilya ko..

Ngmamahal…
Katinig kabado
*********
If you wish to share your personal story, seek the opinion of the host and the listeners, simply email your letter to regina@tinigpinoy.net
The letter is read live on the radio every Saturday and Sunday, Dear DJ Regina shows, 9pm to 12am RP time.

********
Disclaimer: This is based on individual stories and the comments are individual’s opinion. Tinig Pinoy Radio is not responsible and liable in anything that could result from this letter.

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()