Dapat Bang Magsabi Ng Totoo Sa Iyong Kabigan?!!

Posted by on 2 March 2014 @ 7:20 am | Hits: 267 | comments

Share on Facebook28Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

Letter Sender sa DEAR DJ REGINA show

02 March 2014, Sunday, 9pm to 12am Manila time

Dear Dj Regina,

Tawagin mo nalang ako sa pangalang Libra Girl. Matagal na rin po akong patuloy na sumusubaybay sa inyong programa dj Regina .Isa po ako sa mga masugid nyong taga subaybay kaya po ako ay natutuwa at nabigyan nyo ako ng pagkakataong basahin ang aking liham.

Problema sa kaibigan ang nais kong ihingi ng payo sa inyo DJ Regz.Gusto ko sanang mabigyan nyo ako ng payo ganun na rin po ang payo galing sa inyong mga taga pakinig.

Ako ay may team/group na kong saan ako ay nagkaroon ng maraming kaibigan.Mabait naman po akong kaibigan dj Regz,Marunong makisama,suportive at handang maglaan ng oras para sa aking grupo.Wala akong alam na akoy naka kagawa ng pagkaka mali sa kanila bilang admin bagkus,mas pinagbubuti ko pa ang aking serbisyo upang sila ay mapasaya at mapag lingkuran ng maayos.

Ang problema lang po Dj regz minsan hindi ko lahat nabibigyan ng pansin ang iba dahil sa dami ng miembro dj regz.Pranka rin po akong tao Dj Regz at kong ano mang maliit na problema eto po ay sinasabi ko agad upang aming maayos at mapag usapan.Isang araw masaya po akong nakikipag kwentuhan sa aking mga ka miembro,isa po sa miembro ang nagsabi sa akin na may napansin syang isang miembro na lumalaki na ang ulo in a way na hindi na nagiging suportive sa grupo.

Dahil sa matalik kong kaibigan ang kanyang tinutukoy minabuti kong sabihin at ipaalam ito sa aking kaibigan upang maging aware sya sa mga nangyayari.Dito na nagkaroon ng lamat ang aming pagkaka ibigan.Hindi ko inaakala na ito pala ay kanyang mamasamain ang sabihin sa kanya na “May mga nakaka pansin sa iyo na lumalaki na raw ang ulo mo” Ang inakala ko Dj Regz sya ay mag papa salamat sa akin sapagkat ito ay aking ipina alam sa kanya.

Dahil dito Dj Regz sya ay nagalit at pinipilit nyang sabihin ko sa kanya kong sino ang nagsabi nito sa kanya na isa ko ring kaibigan.Sabihin ko raw sa kanya at ito ay kanyang haharapin at pasasaringan.Dahil dito Dj regz,minabuti ko nlng na wag sabihin sa kanya kong sino ang nagsabi upang hindi lumaki ang isssue,subalit hindi sya nanahimik,kong di ko raw sasabihin sa kanya sya ay mag leleave sa grupo at kakalimutan na nya ako bilang kaibigan,Naguluhan ako sa sitwasyon namin Dj Regz kaya upang sa akin na lng nya ibunton ang galit,sinabi ko na lang sa kanya na ako ang nagsabi ng ganong paratang.

Dahil dito lalong nag init ang ulo nya DJ regz,pinaggsabihan na nya ako ng kong ano ano,kesyo ako raw ay na iingit na sa kanyang katayuan.Kinabukasan ay nalaman ko na lang na sya ay nag tayo na ng sarili nyang grupo at ang masama pa nito,hinikayat nya pa ang ibang kaibigan nyang miembro na umanib sa kanya na may halo pang paninira na masama raw ang aking ugali at kong ano ano pa.

Isang araw akong nag iiyak Dj Regz,hindi ko akalaing ganun pala ang magiging reaction nya sa aking nasabi,Isang maliit na bagay na pwde naman pag usapan ay kanyang pinalaki,sobrang sama ng loob ko ng araw na iyon DJ regz kaya minabuti kong kausapin syang muli,ilang beses nya akong hindi sinasagot sa aking tawag at sa bandang huli sya ay sumagot subalit nakarinig lang ako sa kanya ng masasakit na salita kaya ako ay nanahimik na lamang at nag sorry.Ipinag patuloy nya ang planong pagtatayo ng kanyang grupo,Ito ay aming hinayaan na lamang upang matahimik na ang lahat..

Subalit DJ regz ako ay naguguluhan..Nabatid ko na kinaka usap nya halos lahat ng Dj’s upang mag pakampi at palabasin na sya ang tama sa lahat ng nangyari at ako ay minasama.

DJ REGZ,Kailangan bang kausapin uli sya at ipagtapat at sabihin sa kanya kong sino ang nagsabi na “lumalaki na ang kanyang ulo bilang isang miembro upang hindi na sya magalit sa akin o hayaan ko nlng sya at kalimutan ko na lang ang aming pag kaka ibigan?

Hanggng dito nalang DJ regz at sanay makapag bigay ang inyong payo ng inspirasyon hindi lang sa katulad ko kundi sa iba pang mga team/group na patuloy na sumusuporta sa Tinig pinoy Radio.

Maraming Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Ms. Libra Girl

************************************

PAYO Mula kay Tita Ruby!!

Tita Ruby is a psychiatrist practicing in Ottawa , Canada. She treats and counsels adult individuals who are challenged with anxiety, depression, and stress.

Dear Libra,

Maganda ang layunin mo pero mali ang strategy mo.

Una, di mo dapat sinabi sa”friend” mo yung narinig mong pintas galing sa iba. Meron tayong parte ng brain na tinatawag na reptilian brain.┬áParang brain ng dinosaur. Walang Alam ang brain na Ito kundi mag react sa danger. Sa Ibang Tao, Ito ay wild . Sa iba naman Ito ay na te-train na maging tame. Sa tingin ko hindi pa tame ang Dino brain ng BFF mo. So, nagreact siya sa sinabi mong destructive criticism. Sa galit niya gusto niyang awayin ang source ng tsismis. Sa madaling sabi, pinatulan niya ang tsismis mo. So nung ayaw mong sabihin, ikaw ang napagdiskitahan ng galit. Hindi alam ni BFF Kung papaano niya kakalmahin ang narinig niyang bomba para sa pagkatao niya. So para mai tuloy niya ang galit niya dun sa pumintas sa kanya sa Iyo niya ito naibunton.

Error # 2 nagsinungaling ka at sinabi mong ikaw ang source ng pintas. Lalung nag react ang dinosaur brain .Kuha mo ba? Pero,Kung sinabi mo naman ang tunay na source, dalawa na ang ka away mo. Sa muli, pigilan mo ang mag transmit ng tsismis. Ito ay Mitsa ng pagkakagalit.

Ngayon, wag mo nang palakihin ang sunog at mag sabi na naman kung sino ang nag comment ng ” lumalaki ang ulo ni Miss Dino” Itigil mo na ang pag stir kay Dino brain. Marami ka pang mahahanap na kaibigan na hindi masyadong matapang ang kanyang Dino brain.

Mapagmalasakit kang tao. Mahal mo ang BFF mo. Kaso, wala sa pagkatao niya na suklian ka niya ng pasasalamat kasi umiiral ang attack mode ng kanyang Dino brain. Thank God for your mistake. You have discovered if she is a friend to you or not. I guess you know the answer by now.

Think for yourself if she is a friend worth keeping. Magsorry ka Sa ginawa mo sa kanya, and then let it go. T.R.

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()