Dapat bang itago kung biktima ng rape?

Posted by on 6 October 2014 @ 2:05 am | Hits: 171 | comments

Share on Facebook16Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone
DEAR DJ REGINA 
Letter Sender.
04 October 2014

Dear DJ Regina

Itago mo po ako sa pangalang I’m alright.

Nang makatapos po ako ng high school nag aral po ako ng kolehiyo ngunit di po nkapag-tapos dahil sa financial problem po.mas ginusto ko pa po magtrabaho para makatulong na sa tatay at nanay ko po.lumuwas po ako ng maynila at nagtrabaho sa laundry ng tita ko,admin po nya ako duon at ako namamahala ng isang branch sa Quezon city.mababait po ang mga tita ko at tito ko na kapatid ng tatay ko,may apat silang anak at ang panganay halos ka edad ko lang po.

Nang magsara po ng branch sa QC nanatili po ako sa main office at Duon po naka assigned na.natutulog po ako sa bahay nila iisa po ang kwarto namin ng dalawang anak nya na lalaki at dalawa pa pong katulong namin sa laundry para lang naman po kaming magkakapatid at kalapit ko pa nga po sila matulog 17yrs old lng po ako noon at walang alam talaga sa totoo lng po.That was December po mag start na ang simbang gabi kaya po lahat naka plano po magsimba kami,madaling araw po yun ginising po ako ng katulong ng tita ko at magsisimba nga daw po kami sa pagod ko po hindi po ako sumama di ko po alam na yun pinsan ko na sa taas ng double deck di din po nagsimba.wala na pong tao sa bahay nagsimba silang lahat.nang natutulog po ako naramdaman ko pong may humahawak sa hita ko po at ang isang kamay nasa labi ko po pilit na pinapasok sa bibig ko po.wala po akong laban dahil nakahiga po ako at sya ay naka upo kahit magsisigaw po ako wala makakarinig dahil lahat sila nasa simbahan.Ang totoo po walang nangyari sa amin(sex wala po).hinawakan nya lang pero alam kong takot din po sya kahit halik di po nya nagawa,!Pero ang pakiramdam ko sinira nya pagkatao ko.

Itinago ko po yun at nakiusap sya na huwag sya isusumbong,sa takot ko po na magalit ang tita ko di po ako nagsalita hanggang sa dumating po yung time na di po talaga ako nakakatulog ng ilang gabi na.DEC 23 pagbukas ko po ng ref meron pong Matador na alak sa sama ng loob ko ininom ko po para magkalakas ng loob na masabi sa tita at Tito ko po ang nangyari.tanghali na po bigla nlng ako nag iniyak tapos si tita tinanong po nya ako sino may kasalanan ng pag iyak ko inisa isa nya ang tao sa bahay ng binanggit nya ang name ng anak nya halos humagulgol po ako sa iyak.sinabi ko lahat ng nangyari at tinawag nya anak nya at kinulong kami sa kwarto para mag usap kaming tatlo,grabe po ang nangyari sinabi ng anak nya na gusto ko din naman daw po at inakit ko daw po sya.pinagmumura kami ng tita ko lumuhod ako at hinalikan ang paa nya para maniwala sya na ako ang biktima.Minura nya at pinalayas ang anak nya.nang lumabas po ako sa kwarto ng tita ko pumunta ako sa kwarto namin narinig ko po tinawagan nya ang anak nya at nag sorry po at inalam kung saan nagpunta.Halos gumuho ang mundo ko ng time na yun na halos sarili Kong tiyuhin walang nagawa dahil pakainin din lang sya ng asawa nya at step son nya lng po yun gumawa sa akin ng ganun.Iniuuntog ko po ang ulo ko sa aparador,dumudugo na ang noo ko sa sakit pero ni isa sa bahay walang magawang lumapit sa akin buong magdamag po akong umiiyak at Hindi kumain.DEC 24 inihatid po ako ng Tito ko sa bayan namin napansin ng Nanay ko na maga ang mata ko pero hinding Hindi po ako nagsalita.

Taon na po ang lumipas ni isa sa pamilya namin walang nakaalam po dahil baka po makapatay ang tatay ko at masira ang pamilya namin lalo na po at kapatid ng tatay ko ang bumalewa sa akin.Sa ngayon po yun tita ko na yun mabait pa din naman po na parang walang nangyari at yun lalaki po may pamilya na din po.Pero sa totoo lng po parang buong pagkatao ko hanggang ngayon sira po,takot akong magmahal dahil sa nangyari takot din po akong malapitan man lng ng lalaki.sobrang tagal ko pong nilihim ito pero palagi pong pumapasok sa isip ko at yan din ang dahilan kaya pakiramdam ko wala na akong kwenta sa mundong ito.

Hanggang dito na lamang po maraming salamat po sayo sana kahit sa ganitong pagsulat mabawasan ang sakit na dinadala ko po.

Lubos na nagpapasalamat,
I’m Alright

 
**********************************
WISH to send a letter to DEAR DJ REGINA?
Send the letter to: regina@tinigpinoy.net
or send a private message on facebook; Regina Sosing
 

 DISCLAIMER:

The content of DEAR DJ REGINA show on Tinig Pinoy is intended for general information purposes only. It is not designed to provide listeners with specific and personal, medical, financial, legal, counseling, professional service or any advice. The programs are not meant to diagnose, treat, cure or prevent any disease. Individuals with health problems should always consult their health care provider for professional medical advice, medications or treatments. Tinig Pinoy also does not promote anyone’s individual practice, programs, agendas, particular treatments, healthcare programs, providers, hospitals or medical centers.

The views expressed by show hosts or their guests are their own and shall not be construed in any way as advice from Tinig Pinoy Radio. We make no recommendations or endorsements for radio services, or products mentioned on-air or on our web. Personal perspectives expressed by the producers, writers or editors will always be presented as such. We encourage you to seek professional advice or care for any problem which you may have.

No liability, explicit or implied, shall be extended to Tinig Pinoy Radio or the show hosts whose words and/or opinions appear from or on this Web site.

 

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()

Comments are closed.