The Angels brought me here

Posted by on 13 December 2014 @ 12:51 pm | Hits: 118 | comments

Share on Facebook6Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

faith

Letter Sender. DEAR DJ REGINA show. Saturday & Sunday, 9pm to 12am Asia time

Dear Dj Regz…,
Bago ko po simulan ang aking ibabahaging kwento ng buhay ko, hayaan nyo po sana akong bumati sa inyo ng maligayang pasko at magandang araw po sa lahat.

Tawagin nyo nalang po ako sa pangalang ANGELS BROUGHT ME HERE…
ISA PO AKONG OFW MULA 1992 HANGGANG Ngayon TAON 2014. Hayaan nyo po munang ilahad ko sa umpisa ko pong pakikipagsapalaran noong 1992 sa bansang Brunei. Sa edad ko pong 21 anyos natuto na po akong mamuhay mag isa. Narating ko po ang bansang ito dahil sa aking minamahal na napunta doon sinundan ko po siya without knowing kung ano man po ang mangyari sa akin doon. Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na hindi po maganda ang naging kaplaran ko doon sa kamay ng lahing EURESIAN at EVAN. These are native from Malaysia who migrated in Brunei. Nagwowork po ako sa complex nila as a guard sa swimming pool for the kids at pag-uwi po sa house we work as a helper. In short po all around po ang work namin. It’s sad to say that my employer did not treat as well specially po sa akin ksi nga po sa aking kasarian. I was a maltreated victim. Yong mga napapanood ko po sa fb isa din po akong ganoon. Binubugbog at sinasaktan ng amo. Wala po akong magawa kasi nakakulong din po kami because this is also a muslim country kahit po gusto kong humingi ng tulong sa iba. Till one day na nakahanap po ako ng chance mahawakan ang telepono agad ko po dial lahat pmilya ko para tulungan ako at binigay po ng panginoon ang lagi kong dasal na makauwi at makaalis na sa bansang Brunei. Ginawa po lahat ng kamag anakan ko magagawa nila para mahugot ako sa kinalalagyan ko. From the hospital diretso na po ako pinauwe ng mga doctors nabuhayan po ako sa finding na i am fit to fly to the Philippines within 8 days sa kabila po na naiisip ko na may taning na ba ang buhay ko? At emergency na akong pauwiin ng consulado? Pero dama ko po ang tuwa ng malaman ko na makakauwi na ako sa Pinas. Pinapasalamatan ko po ang ating Panginoon na hindi po niya ako pinabayaan sa mga oras na yan.

Patuloy po ako sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay at pag ibig hindi po ako sumuko sumubok po uli ako mag abroad taong 1994 sa bansang Arabo. I have a good position kaya nakapili naman po ako ng mga good friends and good people around me till nagkaroon na naman po ako ng minahal na hindi ko alam kong susuklian din ako ng pagmamahal kasi po in my eyes she is a goddess one that only in my dreams. Isa siyang medical technologist samantalang ako isang hamak na medical clerk lang. Hindi nagtagal nalaman ko na mahal din niya pala ako at lingid sa kaalaman ko na isa syang anak ng kilala sa lipunan at politician ang ama sa lugar ng Zamboanga. A governor’s daughter. Hindi ko po alam kong magreretreat ako, isusuko ko pagmamahal ko sa kanya pero ayaw pumayag na hiwalayan ko siya. Marami po kaming pinagdaanan sa buhay na aming kinaya pero ang pinakamalupit na dagok sa buhay namin ay ang pagbibintang ng mga Arabo sa akin na ako daw ay nagbibigay ng mga babae sa mga matatas na tao sa bansang Arabo. Dumaan po ako ng napakaraming investigation at may mga usap usapan na bibitayin daw ako pero lumalaban po ako sa companya nmin na ni minsan hindi ko yan ginawa ang paglabag sa patakaran nila. Muntik na po akong sumuko sa mga oras na yan pero sa laki ng pagmamahal sa akin ng girlfriend ko nakipagdeal sya sa isang unit manager ng company namin na papayag na syang makasal doon basta tulungan daw niya akong makalaya sa binibintang nila. Hindi ko po alam DJ Regz kong matutuwa ako o malulungkot. At nangyari nga po na naayus ang kaso. Inilipat ako sa Damman ng magiging boss ko sa kumpanya ang pakakasalan ng mahal ko. Walang tigil sa paghahatid ng mga voice tapes at messages ang mahal ko. Ipinaaabot kung gaano niya ako kamahal at gaano sya nalulungkot sa ginawa niya dahil sa kagustuhan niyang mabuhay ako.

Sa tuwing dumarating ang buwan ng December DJ Regz itoy bumabalik lahat sa akin. Month of December nangyari lahat ang mga ito.

Hanggang dito na lamang po DJ Regz at muli po akong nagpapasalamat sa pagbigay daan mo sa akin na maishare ko po ang kwento ng buhay ko at pag ibig.

Always pray to God at alam kong lagi syang nakikinig sa mga hiling natin.

Gumagalang at nagpapasalamat,
ANGELS BROUGHT ME HERE…

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()

Comments are closed.