Ang babae…minamahal.

Posted by on 8 March 2014 @ 4:15 pm | Hits: 168 | comments

Share on Facebook23Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

 

 

Ang babae minamahal, hindi sinasaktan

woman crying

 

Masakit sa kalooban na makakita ng mga babaing sinasaktan ng kanilang mga asawa. Matapos paibigin at pangakuan na sila ay mamahalin, na sa bandang huli pala sila ay gugulpihin. Ano’ng laban ng isang babae sa lakas ng isang sadistang lalaki? Sana ang lakas na iyan na ginagamit sa pambugbog ay ginagamit sa pagmamahal at mga pangakong binitawan noong panahon ng panliligaw pa lamang. Ang mga kababaihan ay may mga kahinaan na dapat unawain ng mga kalalakihan, at ingatan tulad ng mga babasaging lalagyan. Sana alam mo yan bilang lalaki, bago ka pumasok sa maselan na pakikipag-ugnayan sa babaing iyong naiibigan. Kung wala kang alam, at hindi mo siya kayang pakitunguhan, isauli mo nalang sa kanyang mga magulang kaysa patuluyan mong saktan. Kung hindi mo lang siya pinakialaman, sana napunta siya sa lalaking nakakaunawa, at marunong magmahal, hindi sa tulad mo na balasubas at pinaiiral ang kabaklaan.

 

 

Comments ()