Ako ay LESBIAN! Matatanggap kaya ng pamilya ko ang katotohanan?

Posted by on 11 October 2014 @ 4:53 am | Hits: 151 | comments

Share on Facebook14Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Reddit0Share on Tumblr0Share on StumbleUpon0Email this to someone

lesbian

DEAR DJ REGINA

Letter Sender, 11 October 2014, Saturdays and Sundays, 9pm to 12am Manila Time

Dear DjRegina,

Itago nyo lamang ako sa pangalang Maria. Isa po akong lesbian. Ang problema ko Dj Regz ay hanggang ngayon po ay hindi alam ng pamilya ko ang totoo kong pagkatao. Itinago ko ito sa kanila sa kadahilanang ayaw kong ma disappoint sila sa akin.

Sampu po kaming magkakapatid, 5 ang babae at 5 rin ang lalaki. Ang mga magulang ko po ay magsasaka lamang at lahat po kaming magkakapatid ay naranasan magtrabaho sa bukid pangarap po ng tatay ko na makapag tapos kaming lahat sa pag-aaral naalala ko pa po at hindi ko makalimutan – one time inipon po nya kaming sampu at sinabing mga anak kahit magsasaka lang tayo, pangarap kung makatapos kayo sa pag-aaral at magkaroon kayong lahat ng titulo. Sa awa ng Diyos Dj Regz sa sampu kami, siyam po kaming nakatuntong sa kolehiyo pero pito lang ang nakatapos. Lima ang teacher kong kapatid at kasama ako doon. Pero sa kasamaang palad sa aming lima ako ay hindi nakapasa sa teacher’s board exam. Ang mga kapatid ko ay nagtuturo po sila sa iisa lang school.

lesbian_2

Simulan ko po muna ang kwento ko noong bata pa po ako noong mag-isip ko ako ay may kakaiba na po akong damdamin. Iba yong mga gusto kong laro. Panlalaki po ang mga gusto kung laro at dati po noong maliliit pa kami pag sinabi ng tatay ko na sino ang maglinis sa bahay, o sino ang magpastol ng kalabaw mas pinipili ko po ang magpastol ng kalabaw.

Noong first year high school po ako naramdaman ko pong umiibig ako sa kapwa ko babae. Noong una po hindi ko po matanggap na may ganoon akong feeling ayaw ko pong tawagin na abnormal at kung ano ano pa ang itawag sayo pag alam na lesbian ka.

Para po malabanan ko ang ganung feeling tumanggap po ako manliligaw na lalaki. In short at 3rd year high school ako nagka boyfriend po ako pero bakit ganoon Dj Regz, kahit may boyfriend po ako iba pa rin pakiramdam ko kapag may nagustuhan akong babae may nakakatawa pong insident na hinahabol ko yong girl n gusto ko hindi ko alam nasa likod ko rin pala yong boyfriend nakahabol rin sa akin, sa inis po nya sinabihan po niya ako nang tomboy ka ba? Hindi ah sabi ko ano ngayon? Parang na shock po ako sa nasabi ko kasi never ko pa po nasabi kahit kanino na ganoon ako. Pero kahit nasabi ko sa boyfriend ko na tomboy ako sige parin siya punta sa bahay namin kaya never nag-isip ang pamilya ko na ganito ako.

Hanggang sa nag College napo ako nagkaroon po ako ng bestfriend.  Matalino po siya. Isinama nya po ako sa activities sa school kaya parang medyo nalihis naman yong attention ko. Naging active ako sa mga religious activities. May kapatid na pari yong bestfriend ko kaya pag may mga halimbawa may uurdinan na pari o may ikakasal na madre kay jesus nandoon kami ng bestfriend ko hanggang sa nag decide yong bestfriend ko na mag madre.

Fourth year college ako noon din parang may feeling ako na gusto ko sumunod doon sa bestfriend ko umuwi ako at nag paalam ako sa tatay ko na mag madre ako pero ayaw pumayag ng tatay ko. Buti nalng Dj Regz di ako pinayagan, malamang nagkagulo ang mga madre kung pumasok ako doon. joke hehe

Hanggang sa nag graduate na ako bilang isang teacher.  Nag review po ako for the coming teachers board exam. Hinintay ko po yong result noong lumabas ang result ng exam bagsak si maria. Ang ginawa ko lumuwas agad ako ng Maynila. Naghanap akong trabaho. Nakapag trabaho po ako bilang isang saleslady. Hanep for 6 months after sales lady nakapagtrabaho po agad ako sa isang international garments factory pero ng mabasa niya yong resume ko. nilagay po ako sa office bilang issueing and accounting. Doon po ako tumagal at nagtrabaho at nakilala ko yong first girlfriend ko super laya po ako kasi malayo na ako sa magulang ko siyempre walang nakakilala sayo, magagawa mo yong gusto mo. Feeling ko naka wala ako sa kwadra n sinasabi nila.

 

Taong 1997 niyaya ako ng isa kung kaibigan na mag apply sa taiwan at sinuswerte naman po kaming nakaalis at nagtrabaho doon sa taiwan doon nagkaroon naman ako ng aking second girlfriend after ng contract namin umuwi kami at nag apply uli ako doon parin sa taiwan at tuwing tumatawag ako sa amin walang bukang bibig ang nanay ko kundi kung kailan ako mag aasawa kasi ako nalang ang walang asawa sa aming sampu, taong 2000-2003 nagstop ako mag girlfriend nagfucos po ako sa aking work at nag ipon ako. Nagtry ako na magbago uli pinahaba ko ang buhok ko. Sabi ko magpakababae na talaga ako. After 3 years kung nag work sa taiwan umuwi ako. Bale pang 5 years kung nagtrabaho doon nakabili po ako ng palayan at yon ang inabot ko sa tatay ko instead na titulo na pangarap nya sa amin na yng kurso ang sa akin titulo ng lupa haha.

Taong 2003 Dj Regz at matagal narin na wala akong girlfriend sinubukan ko talaga as in magbago may nanligaw sa akin na lalaki at nagpakasal kami at para narin matahimik na yong nanay ko sa katatanong kung kailan ako mag asawa, Dj Regz ang iniexpect ko akala ko wala na yong feelings ko sa babae dahil matagal akong walang karelasyon ng fucos ako na magbago na ako. Sus Dj Regz sa unang gabi na katabi ko yong asawa ko nandidiri ako sa kanya ang pumapasok sa isipan ko nagsibalikan ang mga babae sa isip ko. Feel ko mesirable yong life sabi ko paanu ako makakalabas dito.

Five months feel ko mesirable yong life ko umuwi ako sa amin nagpaalam ako mag aapply uli sa Taiwan kahit ayaw pumayag ng asawa ko gumawa akong paraan DjRegz umalis talaga ako pagdating sa Taiwan tinawagan ko agad yong asawa ko sabi ko sorry maghanap ka nalng iba kasi may ka relasyon na ako dito. Alam mo po tumawag sila kasama ang nanay nya sa akin at tinanung ako kung anu ang problema. Umiiyak silang mag-ina sa akin pero wala eh hindi ko talaga feel. Hanggang sa wala akong ibang dasal kundi ang makahanap siya ng magiging partner nya at parang pinakinggan naman yong panalangin ko Dj Regz dahil bago matapos contract ko sa taiwan nablitaan ko nalng may kasama ng iba yong asawa ko at may anak na sila.

Sa ngayon po Dj Regs nasabi ko na po sa isa sa mga kapatid ko ang problema kung ito na shock po yong kapatid ko sa email ko lng po sinabi at ang reply lang nya shock ako sayo Day, yan lang pero po this coming December may family reunion po kami balak ko sanang iopen ito sa kanila Dj Regz. Pasensya kana po Dj Regz sobrang haba napo ito na shortcut ko na nga yang iba jan. 

Dj Regz matatanggap kaya ako ng mga kapatid ko pag na open ko po sa kanila ang problema kung ito? Pinilit ko naman pong magbago pero wala po talaga eh lahat po ginawa ko pero ito po talaga ako.

Sa ngayon po Dj Regz mayroon napo akong karelasyon at kahit magkalayo po kami ay okey po yong samahan namin at plan napo namin mag for good after 2 years. May sarili narin po akong bahay Dj Regz at may lupa po at plan po naming mag ampon ng baby pag uwi namin.

Maraming salamat po DjRegz…God Bless.

Lubos na gumagalang,

Maria

 

Wish to send a letter to DEAR DJ REGINA show? Send an email to me: regina@tinigpinoy.net

DISCLAIMER:

The content of DEAR DJ REGINA show on Tinig Pinoy is intended for general information purposes only. It is not designed to provide listeners with specific and personal, medical, financial, legal, counseling, professional service or any advice. The programs are not meant to diagnose, treat, cure or prevent any disease. Individuals with health problems should always consult their health care provider for professional medical advice, medications or treatments. Tinig Pinoy also does not promote anyone’s individual practice, programs, agendas, particular treatments, healthcare programs, providers, hospitals or medical centers.

The views expressed by show hosts or their guests are their own and shall not be construed in any way as advice from Tinig Pinoy Radio. We make no recommendations or endorsements for radio services, or products mentioned on-air or on our web. Personal perspectives expressed by the producers, writers or editors will always be presented as such. We encourage you to seek professional advice or care for any problem which you may have.

No liability, explicit or implied, shall be extended to Tinig Pinoy Radio or the show hosts whose words and/or opinions appear from or on this Web site.

About Regina Sosing

Regina joined the Tinig Pinoy Radio (TPR) team in 2000. An Overseas Filipino Worker (OFW) herself. She came to Canada as a Nanny in 1994. Regina comes from a family that has always been... read more

Comments ()

Comments are closed.